Google
 

Hay Buhay!!!

. Monday, July 23, 2007
  • Agregar a Technorati
  • Agregar a Del.icio.us
  • Agregar a DiggIt!
  • Agregar a Yahoo!
  • Agregar a Google
  • Agregar a Meneame
  • Agregar a Furl
  • Agregar a Reddit
  • Agregar a Magnolia
  • Agregar a Blinklist
  • Agregar a Blogmarks

(A friend of mine wrote this)

Alam nyo nakakatawang isipin kung paano nasasabi ko sa sarili ko na "I believe in love." Nakakatawa sya kasi sa buong buhay ko, ni wala pa yatang nagpakita sa akin o nagparamdam ng lintek na pagmamahal na yan. Ang ibig kong sabihin yung pagmamahal na tipong nakakabaliw.

Sabi pa nga minsan nung isa, "We're better off as friends." PUCHA! Kaibigan?! Sa lahat ng ginawa ko para sa kanya at sa lahat ng sinakripisyo ko, kaibigan lang pala ang habol nya sa akin. Ano ba ito lokohan lang? Pero sige, sabi ko "move on, move on."

Tapos itong isa naman sabi "Mabait lang ako sa babae kaya ako ganito sa iyo." Lalong masakit! Bakit? Hanep naman kasi. Bibisitahin ka linggo-linggo sa bahay, magiging sweet sa iyo, kakantahan ka pa, yayakapin, hahalikan at higit sa lahat sasabihing napakaganda mo at napakabait at ano ba yun 'special' girl ka sa kanya. Hindi mo aakalain na normal lang pala nyang ginagawa yun. Ikaw naman, mafofall ka, hindi mo mapigilan. Pero wala ka namang magawa. Ang sabi ko naman sa sarili ko ngayon, "it's your loss, not mine."

Yung iba naman, eh di syempre manliligaw. At dahil likas akong dalagang Pilipina, papakipot muna ako. Kung kailan mo na sasagutin, saka naman hihinto. Bakit? Aakalain na hindi mo sya gusto, na pinaasa mo lang at wala kang kabalak-balak sagutin. Guys, isang advice lang, hindi naman kayo paaasahin ng mga babae kung wala silang gusto ni katiting sa inyo. Maaaring mali ako, pero karamihan sa amin, kaya pinapatagal eh dahil gutso kayong subukan kung hanggang saan ang tagal nyo at syempre kung gaano kayo kaseryoso. Yan lang naman ang drama namin, masanay na kayo. At ano naman ang sabi ko naman sa sarili ko ngayon? "Bahala ka! Marami pa naman dyang iba!" Tapos sige move on ulit.

Ito ang pamatay sa lahat. Nanligaw si lalaki, sinagot ni babae. Maganda na sana ang relationship tapos isang araw, sasabihin na lang sa iyo, "Hindi ko na kaya. Tapusin na natin ito." Iniwan ka na lang basta ng dahil sa isang dahilang hindi mo malunok, maintindihan at tanggapin. Ni hindi mo alam kung gusto mong sabunutan o suntuk-suntukin ng paulit-ulit baka sakaling matauhan at sabihin nyang, "Joke lang po." Pero hindi. Sa halip na sya ang makaramdam ng sakit ng sabunot at kirot ng suntok, ikaw pa ang halos mamatay sa triple or higit pang sakit. At ang masakit pa kinabukasan malalaman mo na ang tunay na dahilan eh, 'sila' na ng matalik mong kaibigan. PUCHA! Hindi mo alam kung iiyak ka, o sisigaw ka o susugurin mo ang your so-called "bestfriend" at isumbat sa kanya lahat ng nararamdaman mo. Sa huli, wala kang magawa kung hinde tanggapin ang lahat at maging masaya para sa kanila. May magagawa ka pa ba? Sasabihin mo naman sa sarili mo, "Makakarma rin kayo!" tapos hala, move on ulit.

Nakakapagod magmahal, totoo yan. Pero bakit pa rin ako patuloy na naghihintay? Masyado lang ba ang tiwala ko sa pag-ibig o likas na tangengot lang talaga ako. Pareho yata. Tama, oo, pareho nga. Ang lakas kasi ng tiwala ko sa 'love." Tipong kakambal ko na ba.

Masarap magmahal kahit na hindi mo alam kung mahal ka rin nya. Basta ikaw, mahal mo sya. Yun lang ang importante. Makita mo lang sya, feel mo gusto mong magpa-fiesta. Madikitan mo lang ang sinulid ng damit nya, ang sasabihin mo sa sarili mo, "Ay shet! Nadikit ako sa balat nya!" at sabay talon. Ngitian ka lang nya, pwede ka ng magpasagasa sa kotse or kahit sa LRT. Drama noh?

Paano pa kaya kung "kayo" na? Eh di mas lalong humaba ang buhok mo. Andito na yung lagi nilang sinasabing hindi ka makakain, hindi ka makatulog at hindi ka makapag-isip na kahit na ano maliban lang ang mga pantasya mo na kasama sya.

Madrama na kung sa madrama pero pag in-love, ay sus! Walang corny-corny, basta para sa kanya kahit may corn field ka na sa utak at puso mo, wala kang pakialam. Patuloy kang magmamahal at aasa na kayo na nga sana forever and ever.

Ako? Parang takot na yata akong ma-in-love ulit. Parang takot na akong sumubok pa ng isa. Parang ayoko na! Pero parang hindi tama. Ganyan naman sa 'love' diba? Sige lang, tuloy ka hangga't Makita mo ang katapat mo.

Takot man akong sumubok muli, kakayanin ko ang takot na ito. Hindi para sa akin, kundi para dun sa taong mamahalin ako ng higit pa sa kahit na ano. Yung taong aalagaan ako, taong magsasabi na maganda ako kahit na halos lumuwa na ang mata ko sa puyat at yung taong magsasabi na "Mga 'tol, yan ang girlfriend ko. Iisa lang yan sa buhay ko." HAAAYYY!!! Sarap isipin noh?

Masarap at masakit umibig. Magkakambal yan. Nasa inyo na lang kung pipiliin nyong kumapit o bumitaw.

Ngayon eto ako, umaasa pa rin. Andito pa rin ako na nagpapatuloy sa buhay, patuloy na humihinga at patuloy na nabubuhay para sa 'kanya' yung taong darating na para lang sa akin. At syempre eto pa rin ako, natatawa kapag sinasabi kong, "I believe in love." Natatawang naniniwalang totoo ito..

3 comments:

Anonymous said...

just take your time! just liek the song " you can't hurry love, no u just have to wait" hahha napakanta tuloy ako nito o buti hindi mo narinig boses ko hahahah baka iban mopa ako dito :)

anyway u know I used to be like that i remember I fell head over head to this certain guy for probably for 5 years and even though i had bf's i still liked him 9oi parang bad example to ah hahahah)anyway, i still loved taht guy.. well, i thought it was love but it's actually more of infatuation coz we been friends and he was so nice and he never took advantage of me eventhough he knew that i liked him so much! but se i thought he like dme too coz we used to talked 3 hours on the phone! but he was so smart thats' y i liked him my friend eventhough tol me if i was blind kasi nga hindi gwapo but he was so smart! and i used to date guys whose smarter than gwapo u know! hahaha but he was still cute but now I realized it wasn't love at all! it was just an infatuation coz he respected me and i admired him for being respectful and for being so smart! lol but see he told me one thing i learned from him and it worked! he said, just stop chasing for love, let it be it will come your way! and it did when i met my hubby back in cali! lol!:) so u should wait and when it come it will be the right one for u:) don't go chasing waterfalls! (oi kanta ulit to ah)

Anonymous said...

haha sorry ha parang kinder garten ang nagtype noong last message ko hahhaha it's 3:24 na kasi sa umaga kaya parang drunk na kung makatype lol:)

Surigaonon Ako said...

wew. what a story. lol. hmmn, til now naa pa mo communication sa imo friend? :)

Post a Comment