Use JULY in a sentence…
“Anak, pinagbintangan ka raw ng titser mo na nangopya. Ano ang ginawa mo? Did JULY?”
May mga tinanong, “Makikinig ba kayo sa SONA ni Gloria?”
Tugon nila, “Hindi na!”
Ang ilan naman, “Para ano pa eh bobolahin lang tayo!”
Wika ng iba, “Hindi naman kapani-paniwala si GMA!”
Huh?!
Magpakatotoo nga kayo!
Ilan na ba ang napakinggan n’yo? Malamang nga, napakinggan n’yo na… babasahin n’yo pa!
May mga isinilang upang maglingkod.
Marami ang isinilang upang paglingkuran.
Si Gloria’y isinilang upang magsinungaling.
Tayo’y isinilang… upang bolahin!
SONA…
S-a mga
O-posisyon
N-awa’y maging bukas ang isipan…
A-tubilihin na lang ang positibong pag-unlad at hindi pamumulitika… Tigilan na ang maruming gawa ng pulitika!
WORDS OF WISDOM
“Men by nature are polygamous… which I would rather be… than monotonous.” – ERAP [Adarmi]
UMAWIT TAYO
Leron, leron, sinta
Suso ay papaya
Utong ay mapula
Puno ng gatas pa
Pagdating sa kama
Hubo’t hubad na siya
Kumapit ka, iha
Papasok ang sawa
PATALASTAS
Gusto n’yo ng kape? Ang masarap na pampainit sa umaga.
Mamili ka!
Great Sex Coffee o Sex Caffe, yeah
Let’s sit and sex for a while
One moment, one Sex Caffe!
Time
I’ve been passing time watching trains go by
All of my life…
Kumanta lang ako habang naghihintay sa text mo.
Sana, pagtunog ng cellphone ko…
IT MIGHT BE YOU
DAGA #1: Ako, tapang! Kain ako Racumin!
DAGA #2: Mas tapang ako! Kain ako keso sa mousetrap!
DAGA #3: Ako, tapang sa lahat!
DAGA #2: Bakit?
DAGA #3: Syota ko, pusa!
Makes sense?
“Be brave enough to love someone whom you know might kill/hurt you in the end.”
…Akalain mo, may lesson pa ‘yun?!
NANAY: Anak, gising ka muna…
ANAK: ‘Nay, ‘di ba, sabi ko, huwag mo ‘kong gisingin kung hindi naman emergency?
NANAY: Kasi, naubusan tayo ng Gasul. Hindi ko matuloy ang pagluluto ko.
ANAK: Ano po ba ang niluluto ninyo?
NANAY: ‘Yung paborito mong ulam… menudo!
ANAK: Emergency naman pala, eh!
Nagkasalubong ang lasing na si Makoy at ang dalagang si Brenda.
Biglang hinalikan ni Makoy ang dalaga.
MAKOY: Ay, sori, miss!
BRENDA: Tarantado! Hindi ako mag-aasawa ng katulad mong bastos at lasenggo! Gunggong!
MAKOY: O, kita mo na…
ANAK: Akala ko ba, ampon n’yo ako?! Eto ang birth certificate ko. Ang tagal n’yong inilihim sa akin! Tunay n’yo pala akong anak!
MAGULANG: Pero anak… itinuring ka rin naman namin na parang pekeng anak.
ANAK: Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak natin kapag nalaman nilang tunay n’yo pala akong anak?! Ayoko na rito! Aalis na ‘ko!
MAGULANG: Huwag, anak! Saan ka naman pupunta?
ANAK: Hahanapin ko ang mga peke kong magulang!
MARK: Pare, kumusta na ‘yung mahinang preno ng BMW ko? Malakas na ba?
MEKANIKO: Hindi pa, pare!
MARK: Paano ‘yan? Gagamitin ko na ‘yan, eh!
MEKANIKO: Huwag kang mag-alala. Nilakasan ko naman ang busina, eh!
GIRLFRIEND: Hon, yayain mo naman akong lumabas! Kahit kailan, hindi mo pa ‘ko niyayang lumabas!
BOYFRIEND: Sige, lumabas ka na!
PULIS:
MANDURUKOT: Eh, sir… P500 lang ang nadukot ko…
PULIS: Ganu’n ba? Sige, pakakawalan muna kita. Bumalik ka sa akin kapag nakadukot ka pa uli ng P500! [Vin ng Antipolo]
Continue reading...