Google
 

Ang Kawawang Mga Magulang

. Tuesday, August 7, 2007
  • Agregar a Technorati
  • Agregar a Del.icio.us
  • Agregar a DiggIt!
  • Agregar a Yahoo!
  • Agregar a Google
  • Agregar a Meneame
  • Agregar a Furl
  • Agregar a Reddit
  • Agregar a Magnolia
  • Agregar a Blinklist
  • Agregar a Blogmarks

A friend of mine emailed this to me.. hay, ang buhay nga naman..

Dear Anak,

Na-ipadala ko na ang 50 thousand pesos na tuition fee mo, ibininta na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE. Wala na din pala tayong baboy na-ibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman pala ng project na yun. Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA. Anak, malayo ba ang lugar na yun? Mag-ingat ka sa pagbibiyahe mo. Isa-sanla pala namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak, komportable ka ba dyan sa boarding house mo? Saan ba kamo yang VICTORIA COURT? Maganda ba dyan anak, hindi ba mainit? Anak, kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT? Napa-ilaw nyo na ba? Mataas ba ang nakuha ninyong grado dun?

Anak, sana bago pa ma-ubos ang lahat lahat ng mga ari-arian natin ay maka gradweyt ka na. Walong taon ba talaga ang kurso mong yan na SECRETARIAL? Sana pag gradweyt mo makakuha ka kaagad ng trabaho kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari-arian natin sa sanglaan. Ay syanga pala anak, di ba sabi mo na sa JOLLIBEE at MAK DONALD ka palaging kumakain, ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? Baka hindi masarap, kawawa ka naman. Eh, yung school bus ninyo na TAXI sabihin mo sa driver na mag ingat sya sa pag dri-drive. Anak, hanggang dito na lang at sa susunod ay ipa-padala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal,

Itang at Inang

P.S. Anak mag-aral kang mabuti. Ingatan mo ang katawan mo. Huwag ka munang mag-asawa. Ikaw lang ang pag-asa namin para mahango tayo sa kahirapan.

5 comments:

kim said...

hindi nmn ako gnyan.. ikaw?

Anonymous said...

Lalo na ako. lol

Anonymous said...

ANAK,

Maayo pay gipunit ka!


NANAY..



heehehe, siaw man ning anaka....

Anonymous said...

ANAK,

Maayo pay gipunit ka!


NANAY..



heehehe, siaw man ning anaka....

Lj said...

poor parents.......ang sarap ng buhay ng anak......palagay ko bata pala ung anak wla ng kunsensya...hahahahahahha

Post a Comment